REBOLUSYON!
by Donna Alfonso

Rebolusyon!
Dugong tutulo sa leeg, sa dibdib
Manggaling sa lahat ng nakaupo 
Sa tore ng kapangyarihan
Walang itira, walang buhayin
Pagapangin ang bagong silang
Bagong mundo para sa Pilipino
Pagkakataong parang hindi na makakamit
Sa nag-uulol na sistema ng Bansa.

Rebolusyon!
Taun-taon bang gagawin?
Hanggang kailan mamamaos
Ang aming mga tinig
Sa paghiyaw ng hustisya at 
Pagsusumamo sa tunay na kalayaan?

Rebolusyon!
Tunay na pagbabago ang habol ko
Mula baba hanggang taas 
Ipatangay sa buhawi 
Angkan-angkang mga linta
Bunutin ang ugat mula sa ating Lupa.

Totoong makabayan
Maglabasan muli
Kunin ang punyal, ang paltik
Gumising, magbantay
Hindi pwedeng patay na tayong lahat
Saka pa lamang talaga’ng magmamatyag.

 

Donna AR Alfonso is 24 years old. She graduated from UP Los Banos with a degree in Computer Science.
COVER
BACK
NEXT